nakakamiss lang umuwi sa probinsya namen, Zambales.. sarap ng buhay ko pag andun ako eh.. haha. at pinakamasarap pa nun is yung kasama mu yung parents mo.. simple lang yung ulam namen eh, pritong GG (Galung-gong) at tilapya, diningding naman yung gulay, tapos yung sawsawan ay manga salad (tinadtad na indian mango na medyo pahinog, with kamatis and bagoong).. sarap lang ng kain namen eh, salo-salo, kwentuhan habng kumakain.. nakangiti kahit na may kanin sa labi at may nakasingit na malunggay sa ngipin. haha. nakakatuwa lang.. nakakamiss, hindi ko kasi yan nararanasan pag andito ako sa makati eh.. d bale, next week uwi ulit ako samen, matitikman ko ulit yung masarap na luto ng nanay ko at maririnig ko ulit mga banat na malupit ng tatay at syempre hindi pedeng mawala dyan yung paglalambing ng kapatid ko.. ^_^♥

Toxic!..

grabe, ngayon lang ako nakapagpahinga! lols.. ang aga ko pumasok ng work, mga 8am dito na ako sa office, pagkadating na pagkadating ko eh. calls agad, syempre ako tong support sagot agad, “IT, Goodmorning”, mga natatanggap kong call mild pa yung problem eh, mga Computer Peripherals lang, drive mapping saka connections.. nung pagdating ng bandang 9am oh. Potang Ina, Mader Paker, Bolsyet, SanaMabitch, pakyu Hard, In your packing fes, ganyan yung mga salitang naglalaro sa isip ko nung biglang nagring lahat ng avaya.. dalawa lang kami ng kasama ko, absent yung dalawa at yung isa naman eh hapon yung shift. edi answer lang ng calls.. “Hello IT, hindi po ako makaaccess ng Thunderbird ko”, “Hello IT, hindi po ako makapasok ng OPICS”. “Hello IT, slow down po yung Term Serv”.. pare-pareho lang mga concern. halos tumawag na nga ata yung mga lounges ng greenhills, binondo, alabang, cebu at davao.. grabe lang, edi kami work kami ngayon.. Isolate ng Problem sabi ng boss namen, parang zombie lang eh no, kulang nalang i quarantine kasi i-a-isolate na.. haha. yung isa kong kasama pinatakbo na sa Head Office namen para tignan yung server kung Up ba o nakaSleep lang/ Amber Light.. siguro ang ginagawa ko lang simula ng 9:30am hanggang 11:45am ay sumagot ng tawag at mag assist over the phohe. lupit no? feeling Call Center ako ngayon, puta, kahit tagalog lang dapat may Accent pa din, para astig! hehe.. kulang nalang itlog sa upuuan ko eh. para akong may pinapainit kasi antagal ko ding nakaupo! haha.. oh kaya naman eh kapag tumayo siguro ako at maglagay ng damit sa upuan. after 5 mins, plantsado na eto.. haha. 

#personal  

optimistgee:

galit po ako sa MANYAK, pero sya lang ang MANYAK na may halong ka sweetan e. LOLS.

nakakainis, sya na ang matangkad, matangkad din naman ako pero mas matangkad sya e. :(, sya na ang SLIM, kaya kapag magkasama kami number 10 lang ang peg namin. HAHA! pero ang pinaka malupit dun ka peg nya si BOSING (VIC SOTTO) at ako naman si PAULINE, PAULINE LUNA na namamaga ang mukha.. oh no WHY?! hahahaha! pero joke lang yun! hahaLECHE wag kayong kokontra kikiss ko kayo sige. haha. :D HAHAHHA.

huy, CHUCHUng anooo.. Thank you. Stay cool and awesome. take care always, and God Bless you always. :) (yehes, from the bottom of my hypothalamus yan.) 

gusto ko lang i-klaro hindi ako manyak.. konti lang.. trololols.. kala mo ikaw lang naiinis saken??.. ako din kaya no! panu ba naman, magkabaliktaran kami. siya na yung chubby, sya na yung malaki yung braso.. hahaha.. kami yung dalwang nagkakahiyaang magmanyakan sa isat isa.. lols. peace ^_^ miss ko na tong babaeng to, simple din to eh pero dumadamoves din, ang weird kasi babanat siya tapos ako mapapahinto nalng bigla.. hahaha.. hoy wag mu akong iiwan ha! tropang chuchu pa din! dapat solid! para asteeg..

ingat ka ha! ayy mali, dapat pala mag ingat sila sayo! :)) text ka lang brad dito lang naman aketch.. ingat palagi, have a great day kahit d mu ako kasama.. :)))

Hulaan ko, yung bestfriend mo dati.. Ex mo ngayon.. :D

#ex eh  

nakakaantok..

grabe inaantok ako, hindi ko alam kung dahil ba to sa panahon. kasi pag andito ako sa aking opisina, malamig, masarap ma2log.. sa labas naman ng opisina eh sobrang init, at dahil sa nakakapanghinang init ng araw eh ayaw mu kumilos at tanging gusto mu lang gawin ay mag stay sa lugar na may silong at dahan-dahan kang aantukin. grabe, hindi ko alam kung anung meron ngayon, wala kang gagawin, aantukin ka, may gagawin ka aantukin ka pa din. parang gago lang diba?.. nagugutom pa ako! edi mas lalo akong inantok pag kumain ako. langyang buhay oh no choice! sana may nabibiling “TULOG” o man lang may gamot para mapunan ang antok mo. astig diba?! kelan kaya makakaimbento ang pinoy ng ganito!. uu, meron mga energy drink at yosi para pampagising, pero mas cool siguro kung tablet or naka capsule nalng yung TULOG db.. sarap buhay nun! epic pa! kasi pedeng magstay yung tao ng 24hrs ng hindi inaantok.. hahaha.. gusto ko ma try yun! kelan kaya dadating yung albert einstein sa ngayong henerasyon.. :3

#antok  

hindi ako kagwapohan, hindi rin ako mayaman, hindi ako yung ideal guy na iniimagine mo tuwing gabi or yung artista na kinakikiligan mo tuwing nanunuod ka ng TV.. simple lang ako, walang gara sa buhay, may bisyo man ako pero sa oras na dumating ka saking buhay ay matatanggal na to. sapagkat sayo ko na itutuon ang pansin ko.. hindi ako perpekto, pero para sayo gagawin ko lahat wag ka lang mapabayaan. hindi man ako yung sweetest person na nakilala o kilala mo. pero andito ako handang samahan ka at pangitiin sa tuwing malungkot ka.. hawakan ang kamay mo sa oras na kailangan mo ng karamay. ipagtatanggol ka, kasi ayaw ka ng inaapi ka.. hahalikan ka at yayakapin, para mapansin mu ang aking paglalambing, mapadama sayo na ikaw lang ang gustong makasama. muka man akong tanga at gago sa paningin mo. hindi pa din iyon dahilan para layuan ka at magbago ang tingin sayo. pipilitin kang intindihin, uunawain, dahil gusto ko malaman every detail mu.. gusto ko, ako yung guy na mapaglalabasan ng mu ng sama ng loob, at in the end, ako din yung guy na magpapagaan neto.. wala naman na akong ibang hangad, dahil kuntento na ako sayo.. gusto ko lang yung matatawag mo ako at matatawag kitang “AKIN”..

mommy, nanay, mudra, ermats.. nagiisa lang sila at natatangi.. simula pagkabata hanggang sa pag tanda ay andyan lang sila at handang intindihan at gabayan ka sa bawat oras.. sila ang nagturo saten kung anu ang tama at mali, kung ano ang mabuti sa masama.. nakakabadtrip o nakakainis man sila paminsan paminsan minsan, hindi rin naten sila masisi kasi para satin din naman yung mga ginagawa nila.. hindi din naten maitatangging mahal na mahal naten sila.. sila ang takbuhan naten sa oras ng problema, handa sila makinig at tulungan ka.. handa silang magsakripisyo at mag take ng risk para lang mapabuti ka..

hayst, mga nanay nga naman natin talaga.. ansarap lang sariwain yung mga sandaling kasama natin sila.. nga yan.. yan si nanay ko.. si nanay Jane ^_^ sobrang kulit nyan kaya nga mahal na mahal namin siya ng tatay ko eh.. hihi. oo, housewife lang siya, eh anu naman kung housewife siya?! anu naman kung hindi siya maganda?!, pinagmamalaki ko pa din siya, hindi ko siya kinakahiya, kahit hindi kami mayaman meron naman kaming masaya at kumpletong pamilya.. sa malinamnam niyang mga luto, sa mga masasayang kwentuhan at samahan, anu pang hahanapin ko eh nasa kanya naman.. ^_^♥ mahal na mahal kita nanay, happy mothers day ha.. at sa lahat ng nanay, happy mothers day po, bilang mga anak, hayaan niyo pong ibalik namin sainyo yung mga pag-aalaga na binagay niyo samen.. have a great day. ingat. k bye..

Magwish ka lang..

  • Genie: Dahil pinalaya mo ako, may 3 wishes ka!
  • Man: Gawin mo akong rich, pero di bayad ng tax; powerful, pero di halata; notorious, pero wala sabit.
  • Genie: Mula ngayon ikaw na si PING LACSON.
#:D  

TROPA, punta ka bang ATCMU?.. baka pede tayong magsama.. :’)

pulubi, naghahanap ng kasama. haha..

“There what it takes to be. Then we shall so be it because it is. To do or not to is in the what, now or what else. Without which there never to you!”

- words of wisdom from Senator Lito Lapid..

#gif meme